Nagpaantig ng puso ang staff ng isang Goldilocks branch sa Maynila matapos nilang kantahan ang “Happy Birthday” ang isang customer na mag-isang nagce-celebrate ng kanyang special day.
Sa viral video na na-feature sa People, makikita kung paano si Danly Serranp pinasaya ng mga empleyado ng cakeshop matapos niyang ipasulat sa cake ang dedication na “Me, Myself, and I at 21.”
Habang dinadala sa customer ang order na cake na may sinding kandila, sabay-sabay kumanta ang staff, dahilan para maiyak si Danly.
“Mag-wish ka na,” ang sabi ng isa habang inaabot ang cake kay Danly.
Kwento ni Danly, hindi niya inaasahan ang sorpresa. Anya, tinanong siya ng staff kung para kanino ang inoorder niyang cake at sinabi niya na para sa sarili niya. Kaya pagbalik nnila, bigla na lang silang kumanta at dala-dala na ang cake.
Ang simple na gesture na ito ay umani ng papuri online matapos ibahagi ng People ang video na may caption na “Bless these ladies! 🥺❤️.”
Marami namang netizens ang naantig sa video at nagpaabot ng birthday wishes kay Danly. Ang iba ay nagpaabot rin ng pasasalamat sa mabubuting staff ng Goldilocks.
“So many people celebrate their birthdays alone and a gesture like this is so wholesome and meaningful. To all the people out there alone, YOU ARE LOVED!!”
“It really takes less energy to be kind to one another. This was beautiful 🥹💕”
“These ladies from @goldilocksph THANK YOU for showing the world how to be kind in your own little way.. PROUD FILIPINO!!! ❤️🇵🇭Kudos ladies!!”
“Now that’s love”
“Need more videos like this nowadays!”
“These ladies deserve a raise! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭”