Hindi pa man pinalad na makamit ang Olympic gold medal ay hindi naman lugi ang World No. 2 pole vaulter na si EJ Obiena dahil sa ipinakitang suporta ng kanyang maganda at mabait na girlfriend na si Caroline Joyeux.
Sa isang sweet na Instagram post, ipinakita ni Caroline ang ilang eksena ng kanilang pamamasyal ni EJ sa Paris, maging ang kanyang panonood sa kanyang nobyo habang lumalaban ito sa pole vault competition.
Mas lalong kinilig ang mga fans ni EJ nang kanilang makita so Caroline, na isa palang German track and field athlete din.
Kamakailan lang ay kinumpirma ni EJ na muli na siyang nagbalik sa pagte-training upang bumalik sa competition circuit sa mga darating na buwan. Aniya, dapat asahan ng mga Pilipino ang muling pamamayagpag ng bandila ng Pilipinas sa mga international competitions.