‘God takes away people from our lives to make the real ones shine’: Julia Barretto, may say tungkol sa letting go

May magandang payo si Julia Barretto sa pagtanggap ng pagkawala ng tao sa buhay.

Hindi dapat malungkot kung mawala ang ilang tao sa iyong buhay, ani Julia Barretto.

Sa isang panayam ng ABS-CBN, inamin niya na paraan ito ni Lord para ipakita kung sino ang mga natitira para lalo silang mabigyan ng halaga.

“Most of the time, it’s always a blessing in disguise when God takes away people from our life. Because it lets the real ones really shine. It really shows us who the real ones are,” aniya.

Ani Julia, hindi naman nangangahulugan na hindi masakit mawalan ng minamahal pero may mga pagkakataon na kailangan din bumitaw kung mapagtanto mo na hindi na pantay ang relasyon.

“It hurts, like you wanna hold on to things kasi sayang diba? Parang we always wanna see the good. But sometimes, kasi, we have to wake up and be more like it’s a two-way street, or it is becoming very one-sided,” dagdag pa niya.