Gobyerno naglaan ng Php328M para sa libreng gamot at serbisyo para sa mga pasyente sa 22 public hospitals

Naibsan ang problema ng mga pasyente sa public tertiary hospitals dahil sinagot na ng gobyerno ang kanilang mga bayarin sa ospital.

Libreng serbisyong medikal ang handog ng gobyerno bilang pa-birthday ni Pangulong Bongbong Marcos noong Setyembre 13, para sa mga pasyenteng nakaconfine o sumasailalim sa pagpapagamot sa 22 public tertiary o level 3 hospitals sa buong bansa.

Ito ang inanunsyo ng Department of Health sa isang press release noong Biyernes matapos maglabas ang ahensiya ng Php 328 million para dito.

Ayon sa DOH, malaking tulong ito para hindi na problemahin ng mga pasyente na nasa level 3 hospitals ang kanilang pambayad sa medical services.

Kabilang sa mga libre ang mga gamot, laboratory at diagnostic procedures, dental services, implants, therapy at rehabilitative services, chemotherapy, at dialysis.