Aksidenteng nagtagpo sa isang tindahan ng mga tela sa Maynila ang dalawang Miss Universe title holders na sina R’Bonney Gabriel at Gloria Diaz kamakailan lang.
Sa Instagram ng Filipino-American beauty queen na si R’Bonney, ibinahagi niya ang kanilang di-inaasahang pagkikita, kung saan si Diaz, ang unang Miss Universe ng Pilipinas noong 1969, ay nagtanong tungkol sa kanyang pamilya.
Nasa gitna ng pagsho-shopping ng mga tela si R’Bonney, na kilala rin bilang designer, para sa kanyang bagong collection nang dumating si Diaz.
Makikita sa kanyang IG post na tila iniinterview ni Diaz si R’Bonney tungkol sa kanyang family background.
“Tatay ko Filipino, at nanay ko, American,” sabi ni R’Bonney kay Diaz na tinutukoy ang mga magulang na si Remigio Bonzon Gabriel at ang Amerikanang nanay na si Dana Walker.
“I’m gonna take a picture and show my BFF,” ang sabi naman ni Diaz sa Miss Universe 2022 winner.
“Just running into Ms. Gloria Diaz, the first Miss Universe from the Philippines here in the fabric store,” ang natutuwa na sabi naman R’Bonney.