Global domination! GENTO itinanghal sa Musicbank Global Festival, may Chinese cover na din

Iba talaga ang dating ng GENTO ng SB19 dahil ito na ang kino-cover ng mga idol groups mula sa Korea at China tulad ng THE BOYZ at 6in1

Ibang level na talaga ang kasikatan ng GENTO ng SB19, biruin mo ba naman, K-pop idols mismo ang nag-cover ng kanta nila Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin sa huling ginanap na Musicbank Globa Festival na dinaluhan ng libu-libong fans sa Korea.

Isa sa mga kantang pinerform ng K-pop idols group na THE BOYZ ang GENTO habang todo sa pagtili ang mga fans sa maaangas na moves na pinauso ng SB19.

Sa China naman, pinerform din ang GENTO ng bagitong Chinese idol group na 6in1 sa isang pagtatanghal. Sa ilang bahagi ng kanta, ginamit ng Chinese idols ang original lyrics sa English at Tagalog na parte tulad ng marumi, marumi, marumi, kadiri. Mapapansin na medyo binago naman nila ang ilang lyrics ang tintranslate ito sa Chinese lalo sa rap part.

Iba talaga ang lakas ng GENTO!