Dahil nga trending ngayon ang “Maui Wowie” moment ni Darren Espanto mula sa “ASAP,” marami nang celebrities at non-celebrities ang gumagaya.
Pero siyempre, hindi pinalampas ng isang fast food brand na ineendorso ni Darren ang kanyang viral moment at nagawa pa nitong sumawsaw.
Sa kanilang ad, pinalitan nila ang Maui ng salitang Mami, kaya’t naging “Mami Wowie” ito, imbes na sa riles kumapit ang young artist ay pinaglambitin nila ito sa higanteng chopsticks habang hawak ang isang mangkok ng noodles.
“Humanga naman ang mga Pinoy followers ng brand sa pagiging maagap nito”
“Hahahaha ang galing! Ambilis ah. Di pinalampas ng marketing team!”
“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA LITSI”
“ang witty nakaka inis ”
“Give your creative team a raise for this HAHAHA”