Ginalingan naman! Pinoy athletes, naghakot ng medalya sa World University Taekwondo Festival

Nag-uwi ng tatlong gintong medalya, dalawang silver at tatlong bronze ang mga atletang Pinoy sa ginanap na Daegu World University Taekwondo Festival sa South Korea.

Pinatunayan ng mga atletang Pinoy na kayang-kaya nilang makipagsabayan sa mga dayuhan sa larangan ng palakasan nang maghakot ng medalya ang mga Pilipinong kalahok sa Daegu World University Taekwondo Festival.

Sa unang araw pa lang, dalawang gintong medalya na ang naitala nina Israel Cesar Cantos (Men -87kg) at Tachiana Kezhia Mangin (Women -49kg) habang silver naman ang naiuwi nina Kent John Banzon (Men -54kg) at Justin Mark Agno (Men -80kg), bronze naman ang nakamit ni Jubilee Briones (Women -62kg),

Hindi pa natapos ang medal streak ng mga Pinoy sa Day 1 dahil sa ikalawang araw ng kumpetisyon ay nakakuha muli ng ginto si Dave Cea (Men -74kg) habang sina Melbourne Johnroyce Lustado (Men -58kg) at Clarence Sarza (Women -46kg) ay kapwa nagtala ng karagdagang bronze medals.