Ginalingan naman masyado! Emilio Aguinaldo College Chorale nagpasabog sa pagsayaw habang kumakanta

Ni level up ng EAC Chorale ang kanilang pagtatanghal nang dinagdagan nila ng sayaw ang kanilang pag awit.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag kabilang ka sa isang choir, inaasahan ng nakararami na mahusay kang kumanta pero hindi handa ang mga manunuod nang biglang nagpasabog ang mga miyembro ng Emilio Aguinaldo College Chorale sa kanilang pagtatanghal para sa NCAA 99 Pep Rally.

Sa ginanap na pagtatanghal, inaawit ng mga miyembro ang “Sumayaw Sumunod” ng The Boyfriends nang bigla nilang ginulat ang kanilang manunuod nang sila ay nagpamalas ng choreo kasabay ang kanilang malupit na blending at harmony.

Hindi inaakala ng mga manunuod ang mga pangyayari lalo na at naka suot pormal na barong at gown ang EAC Chorale.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang napanuod, lalo na ang mga mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College.

‘lupet nyo mga bebecakes,” ani isang netizen.

“Wala ka sa choir namin!” pagmamalaki ng isa pa

“Bravo EAC CHORALE! Great Performance!” puri ng isang commenter.

Ginalingan naman talaga! Siguradong ginanahan ang kanilang mga manlalaro dahil sa ginawa nilang sorpresa.