Sa dinami dami ng nag-gegender reveal sa mundo, napakarami na ring gimik ang naiisip ng mga tao para maging creative at bongga ang kanilang pagsalubong sa kanilang magiging anak.
Pero sa isang gender reveal na itinampok ang Aerobatic Team Anbo, isang kumpanya na nagpe-perform ng airshow, ibang level ang paghahanda ng mag asawang Inga Stumbriene at Aivaras para i-welcome ang kanilang baby boy sapamamagitan ng isang gender reveal air show.
Ayon sa kumpanya, ang private show na kinontrata ng mag-asawa ay para sa isang routine na magpapakita sa kanilang mga kaanak at kaibigan kung ano ang magiging kasarian ng kanilang magiging anak.
Bukod sa airshow, mayroon ding blue fireworks na naghuhudyat na lalaki ang baby. Mayroon ding mga palobo at stage na inihanda para sa bonggang reveal.