Natawa ang mga netizen sa isang Valentine’s gift idea ng isang content creator para sa mga brokenhearted at pinagtaksilan. Ang kanyang ideya, magpadala ng personal telegram na may kalakip sa sampal sa ex na cheater, maging sa kanyang bagong jowa.
Sa video, idinemo kung paano idedeliver ang mga linyahang pang-award sa ex na manloloko na lalakipan ng sampal. Ibabaling din sa bagong jowa at ilalabas ang hinaing at syempre, tatapusin din ng pang Maricel Soriano level na sampal. Ang matindi pa, nagpa-pirma pa ng acknowledgement of delivery ang rider.
Marami naman ang nanghinayang na hindi totoong service ang ganitong klaseng telegrama.
“Paano mag pa book ng ganyan delivery mag papadeliver din sana aq”
“una dapat magaling umarte yung rider”
“Best in ‘Transition of Emotion’”
“Padeliver nga din po ako sa Ex ko, makaganti man lang”