Get that Gold! Pinoy pole vaulter EJ Obiena, tutok na tutok masungkit ang ginto sa Paris Olympics

Ang gintong pangarap ng Pilipinas sa nalalapit na Paris Summer Olympics, nais tuparin ni EJ Obiena, na kasalukuyang World No. 2 sa pole vault.

Crystal clear ang target ng World No. 2 pole vaulter na si EJ Obiena sa nalalapit na Summer Olympics sa Paris: Ang manalo ng medalya para sa Pilipinas.

Kinapos si Obiena sa nakaraang Tokyo Olympics, ngunit ginamit niya itong motivation para paghusayin pa ang training sa preparasyon sa Paris Summer Olympics.

“If I’m being honest that doesn’t make me feel different,” ani EJ sa isang panayam kung saan tinanong siya kung mas ginaganahan siya dahil sa premyo mula sa gobyerno.

Maliban sa cash prize na US$50,000 para sa mga gold medalist sa larangan ng athletics, makakatanggap rin mula sa gobyerno ng Php10 milyon sa bisa ng Republic Act No. 10699.

Una na ring inanunsyo ng Philippine Olympic Committee na makakatanggap ng house and lot ang mga atletang mananalo ng ginto sa nalalapit na Paris Summer Olympics.

“I really just want that medal,” giit pa ni EJ sa ulat ng GMA News Online.

Inaasahang lalahok pa si EJ sa pitong kompetisyon bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa Olympic Games.

“I trust that everyone is well prepared… But at the same time, I trust my abilities to perform under pressure, perform my best… I’m banking on that and I’m stepping on that field to fight for that win,” ani EJ.

Maliban kay EJ, higit sa sampung atletang Pilipino na ang kwalipikado sa Olympic Games.