Umantig sa damdamin ng marami ang video call ng isang fur dad at alaga niyang pusa. Naka-relate ang marami sa pangungulila ng mag-amo sa isa’t isa habang nasa trabaho ang amo.
Sa video na shinare ng UNILAD, makikitang pilit na kinakamot ng pusa ang phone na tila hinahanap ang paraan kung paano niya mailalabas sa telepono ang kanyang fur dad.
Nag-sorry naman ang amo sa kanyang alaga nang makita niya kung gaano ito ka determinado na mailabas siya “pagkakakulong” sa phone.
Marami namang pet lovers ang napa-“awww” na lang sa nasaksihan.
“Get out right meow!!!!!!!!”
“Trying to get meowt”
“Only those that understands cats love can relate.”
“How cute and adorable is that”