GCash at TaskUs nag-collab para makatulong sa local coffee farmers

Nasa 10,000 coffee seedlings ang itinanim sa Cavite sa tulong ng GCash at TaskUs.

Isang ceremonial tree-planting event ang naganap kamakailan para ilunsad ang partnership ng TaskUs at GCash na magbibigay daan sa pagtanim ng 10,000 coffee seedlings sa Cavite, sa pamamagitan ng GForest ng GCash.

“Coffee has historically been an integral component of the Philippine economy, but today, we see a huge opportunity for companies to support local coffee farmers,” ayon kay Chit Juan, President of Philippine Coffee Board, Inc. sa ulat ng Malaya.

Ikinatuwa ng Philippine Coffee Board, Inc. ang partnership ng TaskUs, isa sa world’s fastest-growing business process outsourcing service providers, at GCash, ang nangungunang finance app sa bansa, para suportahan ang local coffee farmers.

“We laud the partnership between GCash and TaskUs as they leverage innovative platforms to grow coffee seedlings and boost the livelihood of local farmers. Actual planting will begin during the rainy season, at the third to fourth quarter of 2024,” dagdag pa ni Juan. Sa ilalim ng partnership na ito, direktang bibili ng beans ang TaskUs mula sa local women coffee farmers. Ayon naman kay CJ Alegre, Sustainability Head ng GCash, hindi lamang page-empower ng financial progress para sa lahat ang inisyatibong ito, kundi pagamit rin ng kanilang platform para makagawa ng makabuluhang bagay. “From protecting the environment to creating sustained opportunities for our local farmers. GForest is proof that innovative solutions can engage individuals and corporations to act for our planet and local communities,” dagdag pa niya.