Kinaaliwan sa TikTok ang kakaibang gate pass na natanggap ng isang rider matapos siyang bigyan ng sobrang laking pass bago pumasok sa isang subdivision sa Porac, Pampanga.
Sa video na ibinahagi ni Renan Dizon, makikitang inilagay na lang niya sa ibabaw ng kanyang belt bag ang higanteng gate pass mula sa Villa Angela Subdivision dahil hindi niya alam kung saan ito isasabit.
@renandizon28 wala nabang mas lalaki sa gatepass nayan sir? haha#mutengtv #Lalamove β¬ original sound – Muteng
Agad itong umani ng libo-libong reaksyon at komento mula sa mga netizens na aliw na aliw sa eksena.
Biro pa ng ilan, siguradong hindi niya mawawala ang gate pass , na madalas problema kapag masyado raw maliit ang gate pass na ibinibigay.
“pwede na pangrally π”
“sure na di mawawala HAHAHAHHA”
“congrats may titulo ka na ng bahay at lupa sa loob ng subdivision π”
“Di mo mawawala tas di mo pa makakalimutan ibalik π€£ safe ID mo boss”
“Kapag yan naiwala mopa ewan nalangπππ”