Tawang-tawa ang mga netizens sa isang TikTok video kung saan ginaya ng isang estudyante ang tipikal na reaskyon ng mga guro kapag pinupuro sila: yung simpleng ngiti at pangiwi na parang sabay nahihiya at natutuwa.
Sa viral video upload ni Bamby Cunanan (@bambyverse), isang estudyante sa Don Mariano Marcos Memorial State University, umarte siya sa isang skit na kunwaring naglalakad habang ang kasama niyang kumukuha ng video ay nagsabi ng “Wow, blooming si ma’am ah!”
Makikita naman sa video na sabay ngiti at ngiwi si Bamby na kuhang-kuha ang kilos ng mga teacher.
@bambyverse Parang nangasim lang e #forentertainmentpurposesonly #fyp #foryoupageofficiall #fypシ゚viral #bambyverse ♬ original sound – Bambyverse
Sa loob ng mahigit isang araw, umani na agad ang content ng libo-libong engagements at saves ang kanyang video. Nawili naman ang mga netizens sa skit dahil sa pagiging “universal” ng experience.
“kuhang kuha”
“Universal experience pala 2 HAHAHSVSJSBSJABSBSHSBS”
“Gantong facial expression ng mga teacher na ang sarap kakwentuhan at andaling lapitan.”
“pati lakad kuhang kuha 😭😭”
“DEFAULT REACTION BA’TO NG MGA TEACHERR?😭 O KASAMA BA’TO SA TRAINING OR BOARD EXAM😭”
Inilatag naman ng ilan ang mga memes na naalala nila sa bentang pagganap ng babae. Isa na riyan ang kinomento ni @peterdontgafaboutyou na gamit na gamit na larawan ni Jose Rizal na pabebe ang aktingan sa social media.
