Gandang ganda sa sarili yarn? Asong marunong mag-fit check, ayaw lubayan ang salamin

Shihtzu, kinaaliwan dahil sa pagka-GGSS (gandang ganda sa sarili).
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw na aliw ang mga dog lovers sa post ng furmom na si Kristal Maya dahil ang kanyang Shih Tzu ay hindi mapigilang magbabad sa harap ng salamin dahil gandang ganda siya sa kanyang sarili.

Mukhang bet na bet ng furbaby ang kanyang bagong sleeping attire kaya naman kahit kailangan pang umakyat ng hagdan para manalamin ay ginawa niya ito para matitigan ang kanyang sarili.

@furmomkristalmaya

♬ LASIK – HEY JUNE!

Natuwa ang mga netizens sa pagkabibo ng aso dahil parang talagang alam na alam nito ang kanyang ginagawa. Mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala dahil ang kanyang mga fans, unanimous ang approval sa kanyang fit check.

“ganda nmn yan just checking if slayable sya 🥰”

“FIT CHECK SYAAA!! 🤓🤍”

“apaka pretty naman❤️”

“Cute cute naman niyan Bebe 😘❤️”

“ggss sya eh🥰🥰”