Galing mo, lods! Furdad, nakagawa ng libreng shower para sa alagang naiinitan

Isang madiskarteng furdad ang nakaisip ng libreng paraan para magawan ng shower experience ang kanyang naiinitang aspin.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Wala mang budget pang groom o pambili ng shower para sa kanyang furbaby, isang fur parent ang nakaisip ng simple at murang paraan para mapreskuhan ang kanyang alaga lalo na’t napakainit ng panahon ngayon.

Ayon kay OP Vic Dog Life, mas bet ng kanyang alagang aspin ang pa-shower effect pag ito ay pinapaliguan pero sa kasamaang palad e wala naman siyang pera para makabili ng shower hose para sa aso.

Pinagana ni furdad Vic ang kanyang matabang utak at umisip ng paraan kung paano mapagbibigyan ang kanyang alaga para pumayag itong maligo.

Ang naisipang solusyon: isang plastic ng tubig na nakabitin sa ibabaw ng aso. Matapos itong tusukin ni Vic at butasan, nagkaroon ng instant shower ang kanyang furbaby.

(Courtesy: VIC DOGS LIFE/FB)

Bilib na bilib naman ang netizens sa pagiging maparaan ni Vic:

“Galing ni kuya mg improvise”

“Kuya kuha k mas malaking supot para mas matagal maubos yang shower nya,hahahaha,behave naman c bebe maligo o.”

“Wow!!! Naman nice idea yan ah sino sa inyong dalawa nakaisipa niyan?”

“wow taba ng utak mo lods hehe”