Gala pa more! ‘Manananggal’ na tinanghali na ng uwi, naispatan; laughtrip dala sa netizens

Isang "mananaggal” nakitang palipad-lipad sa katirikan ng araw, nagdulot ng katatawanan sa netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Laughtrip ang hatid ng isang video sa Facebook tampok ang isang “manananggal” na palipad-lipad pa kahit tirik na tirik na ang araw.

“Nabuntagan naman ka sinuroy kol (Inumaga ka na ng kaka gala),” ang nakakatawang caption ng Tabina ZdS News Page sa video na humakot na ng 2.5 million views.

Bago pa mag-panic ang iba, ang nasabing “manananggal” ay isang saranggola lamang na nakitang pinapalipad.

At dahil kilala ito bilang isa sa mga nilalang ng Philippine mythology na kayang hatiin ang katawan kapag bilog ang buwan at pagala-gala sa gitna ng dilim, ang biro naman ng nga netizens ay tila nasobrahan sa gala ang “manananggal” na ito.

“Grabe naman manananggal nayan tinanghali na🤣”

“Asa naman sad ka ni laag (Saan ka naman pumunta)?” komento ng isang netizen na tinag pa ang kaibigan na babae.

“Na nabuntagan man ang aswang ug pangitag biktimahon (Inumaga na ang aswang kakahanap ng mabibiktima).”