Ibinahagi ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang kaniyang Philippine Airlines flight pauwi sa Pilipinas mula sa Canada na kung saan ang flight attendant na nag-asikaso sa kaniya ay walang iba kundi ang kanyang mahal na ina na si Tes Lopez.
“My mom before being promoted as a flight purser with her most demanding, most difficult, and most loved passengers, ME,” saad ng aktres sa kanyang “throwback” post dahil ang flight niya ay nakaraang buwan pa.
Dagdag pa ni Gabbi, nadamay pa ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos na kasama niya sa flight. Paano ba naman kasi, inaasar ni Gabbi ang kanyang mommy.
“Here’s your arroz caldo,” mahinahong sabi ng mommy ni Gabbi habang nilalapag ang nasabing pagkain. “Uhm…wala na po bang iba?” pang-aasar ni Gabbi.
“Wala na…” ang agarang sagot ng kanyang mommy sabay tawa ng mahina. Tumawa din si Gabbi.
Hindi talaga tinantanan ni Gabbi ang kanyang mommy dahil maya-maya ay tinanong naman niya ito kung hanggang bahay ba nila ay pwede pa siya mag-utos. “Ay, hindi na…dito lang,” sagot ng kanyang mommy, sabay tawa ang dalawa.
Samantala, sinabi naman ni Gabbi na proud na proud siya sa kanyang mommy matapos ito mapromote bilang flight pursuer. Ito ay ang pinakamataas na rank ng isang flight attendant on board sa anumang flight.
“I’m extremely proud of you mom! 30+ years in service, definitely a career milestone!!” sabi ni Gabbi.