Pinanindigan ni Janno Gibbs ang pagiging supportive dad sa kanyang anak na si Gabs na kamakailan lamang ay na-engage na sa kanyang SO na si Marga Bermudez. Sa kanyang sariling post ay kinongratulate niya ang kanyang anak at si Marga at gumamit pa ng hashtag na #loveislove.
Hindi naging issue para kay Janno na bahagi ng LGBT community ang kanyang anak at ang kanyang partner, bagkus ay palagi niya pang ipinagmamalaki ang dalawa niyang anak na babae kay Bing Loyzaga.
Para naman kay Gabs, ibinahagi niya ang kanyang saya sa pagiging engaged at nag-teaser pa na kailangang maghanda ng mga tao sa “gayest wedding you will ever witness.”
Marami namang mga kaanak at kaibigan ang nagpaulan ng pagbati sa newly engaged couple. Nag propose si Marga sa Australia habang kasama ang pamilya Gibbs sa isang skiing trip.