G-na-G na boyfriend na biglaang sumabak sa random eating contest, nagpaaliw sa TikTok

Hindi pambababae ang inaalala ng isang girlfriend kundi ang mga biglaang trip sa buhay ng kanyang jowa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Loyal man sa jowa, certified g-na-g naman sa mga trip sa buhay ang boyfriend na ito na kinaaliwan ng netizens.

Sa TikTok video na ibinahagi ni @‌antonninni, ni-reveal niya ang kakaibang dahilan ng kanyang pag-aalala sa nobyo hindi dahil sa posibilidad ng pagiging cheater kundi dahil sa pagiging game nito sa kung ano-anong biglaang trip.

Sa clip, makikita ang kanyang jowa na handang sumabak sa isang eating contest na nadaanan lang niya sa kalye. Walang pag-aalinlangan, tinanggap niya ang hamon at hinarap ang pares na parang matagal na niyang pinaghandaan ang laban.

@antonninni Hahahaha kanta pares pa #fyp #pares ♬ original sound – Melai

Dahil sa pagiging go-with-the-flow at diskarte ng boyfriend, bumuhos ang aliw at papuri mula sa netizens sa comment section:

“kahit palayasin mo yan te mabubuhay yan ng kanya HAHAHAHAHHAHAA”

“For keeps na tropa ‘to!!!”

“pag uwi busog HAHAHAHAHHA”

“mas daig tlga ng madiskarte ang masipag 😂😂”

“yan mga magandang jowain eh HAHAHAHAH”