G na ba? Bagong IG pos ni CL nagpaasa sa mga BLACKJACK para sa pagbabalik ng 2NE1

Tila nagpaparamdam si CL na magkakaroon ng comeback ang apat na miyembro ng 2NE1.

Bantay-sarado ng mga BLACKJACK ang accounts ng dating 2NE1 members na sina CL, Park Bom, Minzy at Sandara Park kahit na matagal nang nag disband ang grupo. Lalong nabuhay ang pagasa ng kanilang BLACKJACK fandom nang sorpresang magtanghal ang grupo sa set ni CL sa Coachella noong 2022.

Ngayon, dalawang taon na ang nakakalipas ay muling umasa ang mga fans na magsasama-samang muli ang 2NE1 dahil sa biglang pag-post ni CL ng throwback pic ng kanilang Coachella gig.

Sa post, makikita ang blurred na photo ng apat na miyembro na nasa isang elevator bago magtanghal para sa isa sa pinakamalaking music festival sa mundo.


“If this means something like a comeback o kinda I swear It would be the happiest thing to ever happen to me 🥺 i just teared up by just imagine it 😭😭”

“BlackJack r u ready ????”

“WHAT DOES THIS MEAN”

“Blackjacks 4 life!!!🔥🔥🔥”

“FINALLY!!! We missed you baby❤”

Lalong lumakas ang hinala ng mga fans na magkakaroon ng reunion dahil itong taon din ay maglalabas ng comeback si G-Dragon sa ilalim ng bagong label na Galaxy Entertainment. May bagong labas din na comeback si Daesung ng BIGBANG na matatandaang kasama ng 2NE1 sa YG Entertainment.

Muling sariwain ang mga kaganapan sa Coachella performance ng 2NE1 sa channel ni CL.