Naghahanap ka ba ng abot-kayang bakasyon ngayong tag-init? Isang perfect summer getaway ngayon ang Iloilo, ayon sa digital travel platform na Agoda.
Kamakailan lang, inilabas ng Agoda ang listahan ng mga lugar sa Southeast Asia na hindi lang maganda kundi budget-friendly rin. Napabilang sa listahan ang Iloilo, na kilala bilang “Heart of the Country.”
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, Php2,814 lamang ang average room rate per night sa Iloilo. Matatagpuan din dito ang naggagandahang mga beaches at hidden lagoons. Hit na hit rin ang Iloilo, ang unang UNESCO Creative City of Gastronomy sa Pilipinas, sa mga seafood lovers dahil sa masasarap na mga pagkaing-dagat dito.
Bukod sa Pilipinas, napabilang din sa listahan ng Agoda ang Udon Thani (Thailand), Surabaya (Indonesia), Hue (Vietnam), Kuching, (Malaysia), Bengaluru (India), Narita (Japan), at Kaohsiung (Taiwan).