Mukhang maraming kabataan ang na-inspire sa galing na ipinakita ng mga atletang Pilipino sa ginanap na dalawang Olympics kaya naman maaga pa lang ay nagsasanay na sila para magdala ng karangalan sa bansa.
Proud na ipinakita ni Coach Julius Naranjo, coach at asawa ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang mga batang estudyante na may edad 12 pababa habang nagbubuhat ng weights.
Ani Coach Julius, na inspire ang mga bata nang mapanood ang mga atletang Pinoy na iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas sa Olympics kaya’t kumpiyansa siya na maging ang kanyang mga estudyante ay makakamit din ang kanilang mga pangarap sa hinaharap.
(1) Facebook