Proud na proud ang mga magulang ng 11-anyos na estudyanteng si Luke na nagsulat ng device usage agreement para sa kanyang mga magulang matapos nitong kumpiskahin ang kanyang mga devices para makapag review siya sa exam.
Ani ng ama ni Luke na si Ted Ayeng, nagtataka sila kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang anak dahil gabi na ay nagsusulat pa ito. Akala ng kanyang ina, gumagawa lang ito ng assignment ngunit ng silipin ang mga papel na natapos ng kanilang anak, nagulat sila sa nilalaman nito.
Malinaw na nakasulat sa dokumento ang kasunduan ng pamilya sa paggamit ng devices sa loob ng exam week kung saan dapat ay magtuon si Luke ng panahon sa pag-aaral.
Nakadetalye sa dokumento ang terms ng kontrata, ang responsibilidad ni Luke, ang study plan, academic goals, responsible device usage, accountability, at maging mga consequences para sa violation ng paggamit ng device.
Ayon sa ama ni Luke, napabilib silang mag asawa sa pagkapulido ng dokumento lalo na at wala namang pinagkopyahan ang kanilang anak sa lalamanin nito. Pirmado na din ni Luke ang dokumento at naglaan na din ito ng espasyo para sa lagda ng kanyang mga magulang.
“Sir asa inyong address ka magpa notaryo mi sa inyong anak”
“Maybe this kid was watching Suits, Billions, The Good Wife while parents were playing it in the background haha”
“Petition to sign the said contract uwu”
“Ka very good man sang contract, very fair man. Good job Luke. You have a bright future.”