Future doctor yarn? Cute na baby, todo pakinig sa medical lecture ni mommy

Kinagiliwan ng netizens ang cuteness ng isang baby na todo pakinig sa kwento ng kanyang nanay tungkol sa pagte-test ng dugo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang netizens sa video ng isang nanay na tila tine-training na ang kanyang baby sa kanyang trabaho bilang isang lab technician.

Kinagiliwan ng mga netizens ang video kung saan kitang-kita na tutok na tutok ang paslit sa sinasabi ng kanyang ina lalo pa at puro technical terms ang ginagamit nito na kahit pangkaraniwang tao ay mahihirapang umintindi.

Ayon sa ilan sa mga netizen, good listener si baby paglaki dahil kita sa kanya ang kanyang interes sa sinasabi ng iba. Bakas din daw ito ng pagiging matalino ng isang bata.

(Courtesy:Rosalie Datay Perez/FB)

“Te pag laki nya good listener sya”

“Ang cute ni baby, nakikinig talaga sya ng Todo, mukhang matalino”

“Ang cute, doctor to pag laki”