Full circle! Journey ng isang inhinyero from pasang-awa to board topnotcher to lecturer, kinabiliban

Mula sa kanyang humble beginnings ay ibang level na ang naabot ng civil engineer na si Jobert De La Cruz.

Mula sa pasang-awa, napatunayan ng isang Civil Engineer topnotcher na posible ang lahat sa taong determinado.

At ngayon, nasa next stage na siya kung saan siya naman ang tumutulong humubog ng mga susunod na inhinyero bilang lecturer sa isang review center. Nagtatag din siya ng kanyang YouTube channel kung saan siya nagbabahagi ng mga tips sa mga nais pumasa sa board.

Sa mga naunangĀ report, ikinuwento na nakapagtapos na si Jobert dela Cruz ng high school noong 2010 ngunit kinailangan niyang tumigil dahil sa kakulangan sa pera. Imbes na tumabay ay sumama siya sa kanyang ama sa pag ko-construction.

Noong sinubukan niyang mag-enroll noong susunod na taon hindi naman siya nag-qualify sa kanyang gustong kurso dahil pasang-awa lang ang kanyang grado. Nagpursige pa din siya at nag-enroll sa kursong BS Industrial Technology Major in Civil Technology.


Hindi pa din natapos ang pagsubok kay Jobert dahil naoperahan pa siya dahil sa appendicitis at kinailangan naman niyang tumigil at magtrabaho bilang factory worker.

Noong 2014, nakapag enroll ulit si Jobert sa University of Cebu para sa kursong civil engineering.

Dahil magbo-board exams noong 2022, nagpursige si Jobert na nakapasa ng one take. Nagulat na lang siya nang mabalitaan niya na hindi lang siya pasado kundi Top 10 pa!

Ani Jobert, ang mga pinagdaanan niya sa buhay ay patunay na lahat ng pangarap ay pwedeng matupad kung hindi susuko.

Sa ngayon, isa nang propesyonal si Jobert at isa nang rin college instructor sa University of Cebu. Tumutulong din siya na makapasa pa ang ibang engineering graduate dahil isa na din siyang lecturer sa isang review center.