Malayo na ang narating ng vlogger na si Yong Borlongan pero isa pa din sa kanyang pinakamalalim na alala ay ang kanyang kabataan kung saan dati silang nakatira ng kanyang pamilya.
Sa kanyang huling video, ipinakita ni Yong sa kanyang mga followers ang kanilang maliit sa bahay na nasa loob ng Manila North Cemetery kung saan na din nila inilagay ang puntod ng kaniyang yumaong lola.
Ipinakita ni Yong ang kanilang payak na bahay kung saan sila natutulog, kumakain, at naglalaro.
“Parang biglang pumasok sa akin yung… nakakaiyak. Parang kalian lang dito tayo nakatira sa sementaryo. Marami, napakadaming alala ng lugar na ito,” aniya.
Sa maliit na lugar, sinabi ni Yong na pinagkasya ng kanyang pamilya ang kanilang sarili. Inalala din ni Yong ang mga panahon kung kailan siya ay nagte-training pa lang sa pagkapulis at nagpasalamat siya na siya ay nabigyang pagkakataong makapasok sa propesyong ito dahil sa ngayon, isa na siyang SWAT member.
“Salute to you Sir sobrang hanga po aq sau…God bless you always”
“Saludo ako sayo sir stay humble and tama ka ingatan ang uniform dahil hindi madaling maging pulis huwag padala sa tukso God bless you always”
“Wow talagang naman ang kahirapan ay mayroong hangganan…brave po kayo salamat sa Dios ang lahat na ambition mo ay iyung nakamtan…malaking aral yan sa mga kabataan sana napanood nila video mo”