From ‘Pantropiko’ to ‘Raining in Manila’: Plot twist ng panahon sa buwan ng Mayo, kinaaliwan ng netizens

Patok ang samu’t saring hirit ng netizens sa biglang pagbabago ng panahon mula sobrang init papunta sa malakas na ulan sa loob ng buwan ng Mayo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ilang linggo lang ang nakalipas ay sagad sa init ang panahon sa Pilipinas at babala laban sa heat stroke ang paalala ng Department of Health.

Pero bago matapos ang buwan ng Mayo, agad-agad ay bumuhos ang malakas na ulan na nagpahinto ng mga byahe ng mga bangka at naiwang stranded ang mga byahero dahil sa Bagyong Aghon.

Kaya naman hindi ito pinalampas na mga netizens na magpost ng mga nakakatuwa at witty na mga hirit online.

Ayon sa post ng Follow The Trend Movement (FTTM), aakalain mong nagpalit ng OST ang Pilipinas mula sa “Pantropiko” ng BINI nung unang bahagi ng Mayo hanggang sa “Raining in Manila” ng Lola Amour sa ikalawang bahagi ng Mayo.

“The duality of May,” sabi ng FTTM.

Sa isa pa nitong post, makikita ang meme gamit ang litrato ng pagpapasa ng korona ng Miss Universe mula sa “Heat Stroke Season” papunta sa “Flu Season”.

“Welcome, Flu szn!” saad ng FTTM.

https://x.com/FTTM_PH/status/1794560895596581270?t=l_WWKBEjRDpMLorD_QYfVg&s=19

Hindi naman nagpahuli ang ibang netizens sa pagbati sa biglang pagbabago ng panahon.