From Meowdel to Chief Meowfficer! Ringo the Cat naging mascot na sa isang vet clinic

Mula sa pagiging pasyente ay naging unofficial mascot na ng isang vet clinic ang isang pusang walang leeg.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung ang alagang pusa ng cat rescuer na si Deydey ay dating rumaraket bilang meowdel sa mga music videos, ngayon naman siya na ang dinadayo sa isang vet clinic para gawan ng pictorial.

Paano ba naman, ang cute na cute na pusang ito ay parang inangkin na ang vet clinic bilang pangalawa niyang tahanan.

Ayon sa kanyang original owner na si Mommy Marisa, dinala nila si Ringo sa The Furr Project Vet Clinic dahil nag-positive daw ito sa isang feline virus. Ani Mommy Marissa, matagal at mahal ang naging gamutan para mailigtas si Ringo pero dahil magagaling ang mga vet sa clinic ay napagaling nila si Ringo ng mas maaga sa inaasahan.

Inabot din ng pitong linggo si Ringo sa ospital bago siya na-clear sa virus kaya’t medyo nasanay na din siya na naka-aircon doon.

Ani Mommy Marissa, hindi nila maiuwi si Ringo sa ngayon dahil sa init ng panahon dahil maaari daw ma-activate ang virus ulit sa biglaang pagpapalit ng klima, kaya naman ang dating pasyente, ngayon ay naghahari na sa vet clinic bilang kanilang Meowfficer.

Feel na feel naman ng cute na pusa ang kanyang bagong role dahil maging mga photographers ay dinadayo siya upang i-pictorial.