From king of P-pop to fanboy real quick: SB19 Stell, starstruck nang ma-meet si Sandara Park

SB19 Stell natameme sa enkwentro kay Sandara Park. Happy fanboy matapos makilala ang pambansang krung krung.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Karaniwan kay SB19 at “The Voice Generations” coach Stell Ajero ang maging confident sa kanyang ginagawa. Bakit nga naman hindi? Ang SB19 ang isa sa mga pinakasikat na P-pop boy groups sa bansa na kilala maging sa ibang panig ng daigdig.

Kahit sa kapwa niya mga “Generations” judges na sina Chito Miranda, Billy Crawford at Julie Ann San Jose ay sanay makipagbardagulan si Stell. Ngunit sa pagkakataong ito, tila natameme ang makulit na artist.

Si Stell na din ang mismong umamin na hindi niya mawari ang kaniyang pakiramdam nang makasalamuha niya ang down to earth na K-pop star na si Sandara Park, dating miyembro ng grupong 2NE1 at kasalukuyang solo artist sa Korea. Ani Stell, ubos-ubos ang kanyang kaba lalo na at siya pa ang naatasan na humawak ng phone para sa selfie ni Dara kasama ang SB19.

Ipinost din naman agad ni Dara ang picture niya kasama ang SB19 na makaka-collab niya sa isang surprise project bago matapos ang taon.

Hindi rin pinalagpas ni Stell ang pag-comment sa post ni Dara.

Iba din naman talaga mag fanboy si Stell!

Todo ang naging bonding ng SB19 at Dara dahil kumasa din ang “Gento” hitmakers sa “Festival” dance challenge ng kanilang Ate Dara. Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas si Dara ng kanyang unang solo album matapos maghiwalay ang 2NE1 noong 2016 matapos ang ilang taong pamamayagpag sa Korean hosting scene at musical theater.