Ang simpleng kantiyawan para sa budots ay nauwi sa isang bayanihan sa Auckland nang mag-concert ang mag-asawang sina TJ Monterde at KZ Tandigan sa New Zealand.
Paano kasi, ang simpleng kantiyawan at biruan sa concert na kinasahan ng KZ ay nagdulot ng pagbabakas-bakas ng mga Filipino fans para makabuo ng higit Php100,000 na donasyon para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.
Mula sa tawanan ay napaluha si KZ ng bumalik sa kanya sa stage ang isang bag na umaapaw ng donasyon ng mga Pinoy na umattend sa kanyang concert. Si KZ ay nagmula kasi sa Digos, Davao del Sur, isa sa mga kalapit-lugar ng mga napuruhan ng 7.4 magnitude quake noong nagdaang linggo.
Mayroon ding nag-donate gamit ang QR code na flinash sa stage kaya naman marami ang napahanga sa bayanihan spirit ng mga Pinoy saan mang dako ng mundo.
@leyaminatoc KZ turning budots into a cause! 💃 One of the best moments from TJ’s Sarili Nating Mundo concert in Auckland, fundraising for Davao and Cebu earthquake victims. Thank you KZ&TJ! @KZ @TJ Monterde #newzealand #concert #tjmonterde #kztandingan #sarilinatingmundo ♬ original sound – leyaminatoc