From Jungkook to Jun Cook: Nico Natividad, nagpatawa sa kanyang trying hard Jungkook cover

Sinubukan naman ni Nico Natividad na gayahin ang porma ni BTS Jungkook pero talagang kinapos si Lods ayon sa mga fans.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aminado naman ang komedyante at Kapamilya star na si Nico Natividad na trying hard lang ang peg niya sa pagkopya ng pose ng BTS golden maknae na si Jungkook nang itampok ito ng isang high-end brand.

Kaya naman kinarir na niya ang pang i-spoof ng advertisement at siya na mismo ang lumait sa kanyang attempt nang ipagtabi niya ang kanyang larawan sa sikat na K-pop idol.

“JUN COOK na JUN COOK talaga datingan ko”

Dinaan na din niya sa joke ang kanyang outfit at mataas na underwear na lalong nagpaaliw sa kanyang mga followers.

“Magkagalit ung garter ng brief at yung sa pantalon..social distancing..”

“Half Cook!”

“Talo pa yong high waist ah hahahhaha”