From #FindingSheena to #SheenaOliNa! Nawawalang standee ni BINI Sheena, naibalik na sa wakas

Sa wakas, nahanap na ang nawawalang standee ni BINI Sheena.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang buong Bloom fandom dahil sa wakas, matapos ang mahabang paghahanap ay naibalik na ang nawawalang standee ni BINI Sheena.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nanawagan si Direk Lauren Dyogi na ibalik ang isa sa mga standee ng BINI sa pamamagaitan ng #FindingSheena campaign.

Agad-agad nag SOCO mode ang mga Blooms upang matukoy kung sino ang tumangay sa standee at nagpakalat ng iba’t ibang posts sa social media upang muling mabuo ang mga standee ng BINI sa ABS-CBN.

Kahit na dinaan sa biro ng marami ang campaign ay mukhang nagbunga ito dahil may kumontak nga sa ABS-CBN na isang fan upang isoli ang standee. Nagpaumanhin naman ang fan na kumuha sa standee at nagpaliwanag na inakala niya kasi na hindi na gagamitin ang standee kaya’t minabuti niya itong iuwi.

Tinanggap naman ni Direk Loren ang paliwanag niya ngunit nagpaalala sa mga fans na huwag magpadala sa emosyon at huwag kumuha ng bagay na hindi kanila sa susunod.

Ang good news naman, maayos at walang sira ang standee kaya’t ready na ito agad ma-reunite sa kanyang mga kasama.

“Finding sheenaaaa no moreee 😂”

“nakauwi na si sheena hahahahahah”

“SheenaOliNa hahahhahahahah witty”