From cast to cats: Cat lovers, gumawa ng feline version ng ‘Stranger Things’ characters

Matapos ang series finale ng “Stranger Things,” maraming fans ang gumawa ng iba’t ibang uri ng farewell posts sa seryeng 10 taon nilang sinubaybayan at isa na dito ang Vitamin Meo Meo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mukhang hindi pa rin nakaka-move on ang admins ng cat lover site sa Facebook na Vitamin Meo Meo dahil ang napag-tripan naman nilang gawin, mag-generate ng cat versions ng mga karakter sa show.

Hindi nawala sa line up sina Eleven, Mike, Will, Dustin, Lucas, Max at maging ang mga bagong karakter na si Holly. Kuhang-kuha ng mga muning ang mga outfit ng “Stranger Things” cast kaya’t hindi naging problema na kilalanin kung sino-sino sila sa lineup.

Ang mga fans naman ng show, hindi napigilang pusuan ang kanilang mga paborito at lalo pang pinakalat ang mga meme sa pamamagitan ng pag-share.