From baby to gangster! Makulit na pusa, nagpa-good vibes dahil sa pagiging ‘impostora’ sa vet appointment

Agad nagbabago ang anyo ng pusang si Xameng kapag nakakauwi mula sa kanyang appointment sa beterinaryo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marami ang tiyak nakaka-relate sa sitwasyon ng fur mom na si Monica Isabel nang ibahagi nito ang “kadramahan” ng kanyang pusang si Xameng tuwing pupunta ng vet.

Sa kanyang video, ipinakita niya kung paanong magpa-baby ang kanyang pusa nang dalhin nila ito sa beterinaryo para magpa-bakuna. Bukod sa matamlay ay pagkabait-bait pa nito na tila hindi makabasag pinggan.

Ngunit pagdating sa bahay ay agad itong nagbagong anyo at agad pinagdiskitahan ang isang kahon. Dahil sa kakulitan ng pusa durog-durog na itong dinatnan ng kanyang fur mom na napailing na lang at nagsabing kaka-injection lang dito ay kung ano-anong kalokohan agad ang naisipang gawin.

Natawa na lang ang ibang pet parents sa nasksihan dahilan maging sila ay may sari sariling impostora sa kanilang mga bahay.

“Buti nga carton lang sa inyo sakin mga bra ko wala ng stap”

“gangster sa bahay maamo sa vet HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA xameng the destroyer”

“Wow. Ang cute naman ng paper shredder niyo.”