Friendships remain timeless: Kim Chiu, happy na makita si Kris Aquino sa kanyang pagbabalik

Happy ang Kapamilya star na si Kim Chiu sa kanyang pagdalaw sa kanyang Ate Kris Aquino lalo na nang makita na happy ito kahit may pin aglalabanang sakit.

Kahit matagal na hindi nagkita ang magkaibigang Kris Aquino at Kim Chiu, nanatiling matatag ang kanilang friendship lalo na sa pag-uwi sa Pilipinas ng Queen of All Media.

Sa isang nakaka-touch na post, sinabi ni Kim na happy siya sa pag-uwi ni Kris na itinuturing na rin niyang pamilya lalo na pag nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito. Nagpasalamat din si Kim kay Bimbi sa pagiging responsible nito at sa pag-asikaso sa kanila sa kanilang pagbisita kay Kris.

“Time may have passed, but some friendships remain timeless. Seeing ate @‌krisaquino after so long felt like no time had passed at all. It was so heartwarming to see her smile, even as she continues to regain her strength,” aniya.

Nangako din itong patuloy na magdarasal para sa patuloy na paggaling ni Kris mula sa kanyang mga karamdaman.