Fried chicken vendor na ka-lookalike ni Lisa ng BLACKPINK, open sa showbiz opportunities!

Naging viral ang isang fried chicken vendor sa Thailand dahil halos papasa itong kakambal ni Lisa Manoban ng sikat na K-pop group na BLACKPINK.

Pinagkakaguluhan ngayon sa internet ang isang estudyanteng nagbebenta ng fried chicken sa Thailand dahil ka-lookalike nito ang miyembro ng K-pop sensation na BLACKPINK na si Lisa Manoban.

Nakilala ang dalagita bilang si Kulthida, na may palayaw na Yeehwa, isang 17-anyos na senior high student sa Taphanhin School sa Phichit province, mga 300 kilometro ang layo sa Bangkok.

Kapag bakasyon sa eskwela, madalas siyang nakikitang tumutulong sa kanyang 36-anyos na ina na magbenta ng friend chicken sa siyudad ng Samut Prakan.

Naging instant internet sensation si Yeehwa nang may magpost ng kanyang video sa TikTok, na umani na ng mahigit isang milyong views.

@kingstreetfood5เบอร์ 1 ไก่ทอด ตลาดวัดไผ่เงินกรุงเทพฯ

♬ เสียงต้นฉบับ – KiNG Street Food All Sell

Sa isang panayam sa Bangkok Post, nahihiya anya si Yeehwa sa biglaang atensyon na kanyang natanggap dahil sa kanyang pagkakahawig sa K-pop superstar pero bukas naman ang kanyang pinto sa pagpasok sa showbiz kung mabibigyan ng pagkakataon.

“I’m happy and excited to resemble an admired singer like Lisa,” ani dalagita.

@kingstreetfood5ช่วยแม่ขายไก่ทอด ดังไม่รู้เรื่อง ตลาดนัดวัดไผ่เงิน

♬ เสียงต้นฉบับ – KiNG Street Food All Sell

Agree naman ang mga netizens na papasang kakambal nga ni Lisa ang dalagita:

“So pretty should be a model”

“Little lisa”

“250% Resemblance to the Musician Lisa. Wow!”