French fries but make it fashown! Outfit ni Heart Evangelista sa McDo event, designer pa rin

Ichinika ni Heart Evangelista ang kakaibang detalye ng kanyang McDonald's dress na ginawa ni Cheetah Rivera.

Kahit na mukhang simple lang ang sinuot na dress ni fashion icon Heart Evangelista sa kanyang launch bilang pinakabagong McDonald’s ambassador, hindi pala basta basta ang yellow dress na sinuot niya sa event.

Sa kanyang latest post ay sinabi ni Heart na ang kanyang outfit ay ipinasadya pa sa sikat na fashion designer na si Cheetah Rivera at bawat design na nakakabit sa kanyang damit ay handcrafted at beaded. Kaya naman kahit cute sa malayuan ang dress ni Heart ay bongga talaga ito sa malapitan.

Ang yellow dress na suot ni Heart kamakailan ay may disenyong frech fries, soda, burgers at ang signature arches ng McDonald’s.

Kahit hindi binaggit ni Heart ang presyo ng kanyang dress, alam ng kanyang mga fans na talagang mamahalin pa rin ito.