Sa mga ikinakasal sa panahong ito, hindi lang pagiging matipid ang goal ng bagong mag-asawa kundi ang pagiging creative at praktikal na din. Nagawa naman ito ng bagong kasal na si Niño at Yanna sa kanilang selebrasyon nang magpamigay sila ng gulay sa kanilang mga bisita.
Sa isang post ng MC Events, ipinakita ang mga bagong aning gulay at prutas mula mismo sa farm ng groom sa Laguna na inilatag nila na parang isang free store o love store. Nag-provide din sila ng mga bayong para “makapamili” ang mga bisita ng kanilang iuuwi.
Imbes na magpagawa ng wedding souvenirs, ito na lang ang napili ng mag-asawa na ihandog sa mga bisitang dumalo sa kanilang kasal. Labor of love din ito dahil si Niño mismo ang nag-harvest ng mga prutas at gulay mula sa farm.