For real?! Higanteng aircon sa BGC bus stop, pina-‘sana all’ ang netizens

Patok sa netizens ang higanteng aircon na naka-install sa isang bus stop sa Bonifacio Global City sa gitna ng mainit na panahon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang init ng panahon sa Pilipinas, hindi lang isang tao ang minsan na nagsabing pabiro na sana may magpa-aircon sa buong bansa.

Kaya naman pumatok sa mga netizens ang pagkakaroon ng isang higanteng air-conditioning unit sa isang bus stop sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Hindi man nito saklaw ang buong bansa, literal na mapapa-“sana all” ang sino man makakita nito pag nagawi sila sa Crescent Park Bus Stop sa 31st Street corner 1st Ave ng BGC.

At ang pinakamalupit dito, hindi lang ito isang higanteng 3D billboard display ng aircon kundi totoong nagbibigay ito ng malamig na hangin sa mga naghihintay na commuters sa bus stop.

“Did you know that this is not just a big aircon display? It really blows cool air! Check out the #CarrierCoolSpot at CRESCENT PARK BUS STOP 31st Street corner 1st Ave, BGC (in front of Global Art BGC),” saad ng Carrier na Facebook post nito.

(Courtesy: CarrierPhilippines/FB)

Gaya ng inaasahan, napa “sana all” ang mga netizens sa pagkakaroon ng higanteng aircon sa mga bus stops at iba pang pampublikong lugar.

“Wow puede magtandby dyan heids”

“sana all”

“palagyan din po dito sa Manila, sa bahay namen”

“Palakasin naman ninyo para abot highstreet lamig”

“Maganda yan sa labas ng garahe nmin”

“pwede na matulog mga homeless dyan”