FOMO yan? Asong nilalabanan ang antok, kinaaliwan ng netizens

Aliw na aliw ang mga netizens sa video ng asong nilalabanan ang antok hanggang sa tuluyang nakatulog sa tulong ng lullaby song.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Bentang-benta sa mga netizens ang video ng isang aso na pilit nilalabanan ang kanyang antok habang binabantayan ang kanyang amo at mga kasama nito.

Sa video na pinost ni Jo$hy sa TikTok, makikita ang aso na nakaupo sa tabi ng mga upuan at paulit-ulit na bumabagsak na ang ulo at mata ng dahil sa antok.

Hindi ito pinalampas ng rapper at songwriter matapos nila magpatugtog ng lullaby para sa inaantok na aso.

“Nilalabanan ng aso ‘yung antok niya, kaya nagpatugtog kami ng lullaby para makatulog na siya,” kwento ni Jo$hy.

Sa huli, hindi na nakuhang labanan ng aso ang antok at dahan-dahan na itong humiga sa kinauupuan nito.

@kingwavejoshy Good night, doggy! #fyp #foryou ♬ original sound – Jo$hy – Jo$hy Kingwave

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa itsura ng aso at sa effort nito na manatiling gising hanggang kakayanin.

“baka po may FOMO siya”

“Dinodogshow na yung aso”

“Yung kalaban mo yung antok tapos yung amo mo kinampihan naman”

“Baka daw kase pagusapan nyo sya kapag natulog na sya”

“bakit nyo naman pinatulog yung bantay”

“Dog: Matagal pa kayo dyan, lampas na duty ko”