Flower Girl na nakatulog bago mag martsa, isinalba ng ‘flower men’

Natuwa ang mga netizen sa kakyutan ng isang flower girl na nakatulog bago sumalang.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Agaw-eksena ang tatlong tiyuhin ng isang flower girl na nakatulog ilang minuto bago siya dapat magmartsa kasama ang entourage sa kasal ng kaniyang tiyahin.

Paano ba naman, habang himbing na himbing sa pagtulog ang isang taong gulang na flower girl na bitbit ng kaniyang tiyo, ang dalawa pa niyang tito ay nakapila sa likod na may dalang beltbag na naglalaman ng petals. Imbes na tuloy ang bata ang nagsaboy ng mga bulaklak, ang kanyang makukulit na tiyo ang gumawa ng ito para sa kanya.

Ayon sa ina ng bata, pangkaraniwan naman sa kanilang pamilya ang ganitong kakukulit na eksena kaya’t hindi naman big deal para sa mga bisita ang makita kung paano nila sinolusyunan ang problema.

Aniya, talagang prinsesa ang tingin ng kanilang pamilya sa kanyang anak kaya’t kahit pa tinulugan nito ang kanyang obligasyon ay wala pa din namang nagalit sa kanya. Nagising naman ang bata matapos ang wedding ceremony.

“They did it with such style too. love it,” ani isang netizen.

“I love this!!!! That’s my kind of family!!!,” dagdag pa ng isa.

Nakaka good vibes naman talaga!