Healthy at murang handa ngayong Noche Buena ba ang hanap niyo?
Ngayong kapaskuhan, isinusulong ng Department of Health (DoH) ang mga pagkaing mas mura na ay mas masustansya pa.
Ayon sa DoH, mas maigi na maghanda ng masarap na bangus na pasok pa sa budget ngayong pasko. FISH be with you, ika nga.
“Rich pa sa omega-3 na maganda sa heart health at sa development ng utak at memorya ng mga chikiting,” sabi ng DoH.
Bilang alternatibo sa sa hamon, pwede din namang manok ang iHAMda. Bukod sa mayaman sa protina at antioxidants, mainam din ito sa sa pagpapalakas ng katawan at immune system.
Patok ding ipasok sa Noche Buena line up ang lumpiang sariwa, na ang sangkap ay mayaman sa glow foods, bitamina at mineral.

Mas makakatipid din kung hindi na mag ke-cake at magsasalo na lang sa prutas ang mga magkakapamilya at magkakaibigan.
“Let’s opt for healthier choices [this Christmas],”paalala ni Health Secretary Teodoro Herbosa.