Walang nakakatuwa sa eksena kapag may isang motorista na naaksidente sa kalsada dahil kadalasan ay sugat at matinding pinsala ang dala nito.
Pero iba si Kiven Leano ng Calapan City dahil imbes na umiyak o magalit ay masaya pa niyang hinarap ang pagsemplang niya mula sa motor papunta sa pilapil.
Sa TikTok post ni Kiven, makikitang nauwi sa putikan ang unang beses niyang pagsakay sa motor.
Bukod sa motor, punong-puno ng putik ang mukha at katawan ng nakangiti pa ding si Kiven.
@kivenleano_ ang saya nya pa ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
“first time mag motor, last na din siguro ‘to,” kwento pa ni Kiven sa hiwalay na Facebook post.