Hindi sinusukuan ang pangarap, at patunay ang pagpupursigi ng isang nanay na hangad maging abogado.
Pitong taon na ang nakalipas nang simulan ng ina ni Nicole Mallari na si Mary Grace ang kanyang law school journey.
Sa Facebook at TikTok, shinare ni Nicole ang pinagdaanan ng kanyang ina matapos mabigong makapasa sa unang take ng bar exam.
@_nicolemallari Now I can officially tell people, ‘I'm not saying a word without my lawyer.' #barexam2025 #bar #law #attorney #mother ♬ original sound – Nicole Mallari
Sa Facebook page naman ng Working Law Student PH, ikinuwento rin ang success story ni “Mommy G.”
Sa murang edad, inako nito ang responsibilidad na maging magulang sa mga kapatid at sinikap na matupad ng mga ito ang kani-kanilang pangarap na maging doktor at engineer. Nang magkaroon siya ng sariling pamilya, pinili niyang unahin ang edukasyon at mga pangangailangan ng apat na anak at isinatabi muna ang sariling mga pangarap.
Ngayong magsi-sikwenta na siya, nagpasya siyang pangarap niya naman ang kanyang pagsusumikapan.
Ayon kay Mommy G, ang law school ay isang “battlefield” kung saan hinarap niya ang pagsubok sa kalusugan, pamamahala ng negosyo, at pag-aasikaso sa pamilya. Dumagdag pa sa kanyang dinadala ang hapdi ng resulta ng unang bar exam.
Ngunit sa pagpasok ng taon, iba ang pangako ng tadhana. Sumubok siyang muli, at sa ikalawang pagkakataon, ganap na siyang matatawag na “Atty. Mary Grace M. Mallari.”
Ayon sa kanya, malaki ang naging gampanin ng suporta ng kanyang asawa, mga anak, mga kaibigan, at mga “young law buddies” na nagturo sa kanya na isang kasangkapan lang ang teknolohiya na kailangang maaral para magamit.
“I have no silver spoon or powerful backer–only two hands that know the value of hard work and a heart that finally found its place. I am Mommy G, and I am finally a Lawyer,” pagtatapos ni Atty. Mallari.
Mapa-Facebook o TikTok, marami ang naantig sa kanyang success story. Napakomento pa maging ang isa sa mga proctor niya noong exam.
“Wow!!! Congrats, Ma’am!!🥳 I am one of her proctors during the Bar Examination. Isa si Ma’am sa tinandaan kong name para icheck sa magiging result today. Pakisabi po congrats po from Proctor! Congrats, Atty. Mallari!⚖️👩⚖️.”
May isa ring nanay na naka-relate sa kwento ng ina ng uploader. Aniya, “Super happy for her! ❤ manifesting this for me to pass the Bar in the next years to come. I’m a first year law student and yes, I am a mom. I’m juggling being a full time mom and being a law student. Nakaka inspire ang mommy mo po. ❤.”