Nasa 680 na kilometro paikot sa Negros Island ang tinakbo ng mga sumali sa run for a cause noong Enero 20, para sa mga batang may cancer sa Negros Occidental.
Ang Filipino-Irish nurse at ultramarathoner Rolando Espina Jr., na tubong Negros din, ang nanguna sa nasabing aktibidad na tinawag na “Hope for Kids with Cancer.”
Kasama ni Espina ang mga local ultraboy Brekz Cabrillos at alternate runners crew at drivers na sina Jan Christopher Chua, JC Fregil Chua, Neil Stephen Valenzuela, at Frunk Lin Echevaria, lahat galing Bacolod City, pati na rin ang logistical support crew na sina Christian James Togonon Alayon at Capt. Honey Labaro Choi George.
Target ni Espina at grupo na makalikom ng 2,000 euros o Php 122,000.
Hindi inalintana ng mga runners ang init, ulan, at malakas na hangin matapos lamang ang five-leg run: Bacolod papuntang Sipalay (165 kilometers), Sipalay – Dumaguete (175 kms), Dumaguete -Guihulngan (116 kms), Guihulngan -Sagay (115 kms), at Sagay – Bacolod City (85 kms) sa loob ng anim na araw.
“A remarkable achievement,” ganito naman ilarawan ni Alayon ang nasabing run for a cause sa panayam ng Rappler.