Filipina actress, makakasama ng mga Straw Hats sa bagong season ng ‘One Piece’ Live Action

Napabilang sa cast ng “Once Piece Live Action” Season 2 ang half Pinay actress na si Julia Rehwald.

Pasok sa cast ng “One Piece” Live Action series ang half-Pinay actress na si Julia Rehwald na gaganap sa papel na Tashigi sa bagong season.

Si Julia, na unang nakilala sa “Fear Street” trilogy at maging sa “Young Jedi Adventures” ay napiling gumanap bilang isang Marine officer at magaling na swordswoman na makaka-enkwentro ng mga Straw Hat Pirates na si Luffy, Zoro, Sanji, Nami, at Usopp sa kanilang paghahanap sa misteryosong pirate treasure na kilala sa tawag na “One Piece.”

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Julia na ang pagkakapili sa kanya para sa hit franchise ay isang “huge dream come true!”

Nagsimula na ang filming ng Season 2 ng “One Piece” matapos maging maganda ang pagtanggap ng mga fans ng anime at manga fans sa Netflix adaptation nito. Ang “One Piece” ay isa sa longest-running manga sa Japan na nilikha ni Eichiro Oda na ngayon ay umaabot na sa higit 1,000 episodes sa anime.