Fil-Am rapper jae’roze, gumagamit ng Taglish sa kanyang malulupit na lyrics

Sinusulong ng biracial rapper na si jae’roze ang kulturang Pinoy at African gamit ang kanyang musika.

Goal ng BLASIAN (Black Asian) rapper na si jae’roze ang mai-representa ang Pilipinas kaya naman sa kanyang mga kanta, isinasama niya ang mga Tagalog lyrics tulad na lang sa kanyang single na “BAYANI” na kamakailan lang ay pinerform niya sa Wish Bus US.

Lumaki si jae’roze sa Pilipinas kasama ang kanyang Pinay mother at nanirahan sa U.S. nang makapag reconnect sa kanyang African-American na tatay. Goal niya ang ipakita ang kultura ng kanyang dalawang lahi gamit ang kanyang musika.

Una na niyang nailabas sa U.S. ang kanyang album na “BLA$IAN” noong 2021 at patuloy siyang nagpo- promote ng kaniyang musika sa iba’t ibang platform tulad ng Spotify at iTunes. Karaniwan sa mensahe ng kanyang lyrics ang pagsusulong ng anti-hate campaign sa mga Blacks at Asians sa Estados Unidos.